BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

About Me

My photo
Baguio City, Philippines
||[Curious]||

x||labels||x

xOx|[x]|[angelicOots]|[x]|xOx

xOx|[x]|[angelicOots]|[x]|xOx
PUNKS NOT DEAD

xOx||angelicOots||xOx

"Hindi mo mababago ang isang tao kung yung taong yun mismo ang may ayaw baguhin ang sarili nyang buhay inshort ang pagbabago nagsisimula lamang yan sayo"
천사의

seventEen years of agE. I do wiLd & crazy stuFf.
i likE fixing anD cuTtiNg my haiR, goinG afTEr stupid Cats, playinG with my niEce, and strolling arOund our city.
i likE beinG with my friEnds and spEnding all the day with thEm.
i loVe to walk with thEm duRing niGHt timE and do a lot oF of crazy stuFf^^ i also go bar hoPping sometimes, and drinkinG til' i drop xD
well what can i say.. i do lot of stuff that can blow yer mind. lOl.
i keep a lot of secrets to my self and i do wanna spend more time sleepiNg in my roOm, in my bEd anD with my favorite pillow :)

i dont like people who are so sarcastic, back stabbers, liers and much more, pretenders.
i am sOmetimes but i do it for a reason, not just to impress others but of course to fit inn in others normal world.
i also hate girls who talk about other girls and making stories abouT them. grR.. you just can't avoid it..
haayzt. i don't care about what pEoplE say abouT me, foR as loNG as i speAk the truTh and
i do thinGS that can't harm others, i can live by that..

umm. what else? oh, here, i'm kinda have that pSycho attituDe
i often talk to my self.. yeah.. cooL much.. hahaha

"For a Pessimist, I'm Pretty Optimistic"

angelicOot's Blog List

Sunday, August 2, 2009

Snake on my Dream



Mag-aalasdos nang makatulog ako kagabi, iKa-uno ng Agosto 2009.
Madaling araw na, pero kakatapos ko lang mag-net ng mga oras na yun^^
Inaantay ko rin na umuwi ang kuya ko pero hindi ko siya naantay
at tuluyang nakaramdam na ako ng pagka antok.

Bago ako pumasok sa aking kwarto sumilip muna ako sa
veranda ng aming bahay, dahil naiingayan ako sa kahol ng mga aso namin
hindi makatigil na para bang my mga tao sa labas ng aming maliit na gate.
Madilim na nung oras na yun kasabay nun ang pagbuhos ng ulan
dahil my street light nakikita, ko pa naman ang kalapit na kalsada
sa aming bahay... wala namang tao ngunit my narinig akong nagsalita,
patuloy parin ang pagkahol ng mga aso namin.

Hindi ko nalang pinansin sa pag aakalang guni-guni ko lang ang narinig ko
at ayun pumasok na ako sa kwarto ko. nagpalit ng pantulog, humiga sa kama,
at nag muni-muni hanggang makatulog.

Sa kalagitnaan ng aking mahimbing na pagtulog, may napanaginipan ako...
Nasa veranda daw ako ng bahay namin na para bang naulit lang yung
nangyari nung tinignan ko kung may tao sa labas ng gate ang pinagkaiba lang
eh my natutulog na malaking ahas sa tabi ko! Hindi ko lubos maisip
kung anong gagawin ko nung oras na yun, tila huminto ang mundo ko
at hindi ako maka galaw... lalo pa't gumising ang malaking ahas at parang
lumalapit sa akin. Pero hindi naman siya nakakarating sa kinatatayuan ko.

Hingal at tumatagatak ang aking pawis ng unti unti nitong buksan ang
kanyang bunganga at handa niya na akong tuklawin! pumikit ako at ng
binuksan ko ang aking mata lumiit yung ahas! at biglang may isang lalake na nagsasabing mag ingat daw kami baka maapakan namin yung ahas.
Nung ako na yung dadaan at aakdangan ko na yung ahas biglang lumiwanag
ang lahat at nagising nalang ako na para bang gulat na gulat
at hindi ko maramdaman ang aking sarili.

Lumipas ng limang minuto bago ako tuluyang tumayo sa pagkakahiga.
Nagpasalamat nalang ako sa Diyos at binigyan nya pa ako ng isang
bagong araw para mabuhay at gumawa ng bagong simula.

Binuksan ko ang Kompyuter at nanaliksik ako sa tungkol sa ahas sa panaginip.
ayon sa aking pananaliksik ang ahas ay sumisimbolo sa maraming bagay.
Ito ay madalas na nakikita bilang simbolo ng buhay, kamatayan at
muling pagsilang.
Sa bibliya, ang simbolo ng ahas sa istorya ni Adan at ni Eba ay kumakatawan
sa anyo ni satanas na ang kahulugan ay demonyo.
Sa ibang kaso ang ahas ay makikita bilang isang phallic symbol.

Habang binabasa ko ang iba't-ibang pananaw ng mga dalubhasa patungkol
sa ahas, naalala ko ang napanood ko noon sa isang interbyu na
nagsasabing kapag nagkaroon ka ng panaginip na tinutuklaw o tutuklawin
ka ng ahas, tulad nga sa aking napanaginipan, isinasaad daw
nito na may isa kang kaibigan o isang malapit na kakilala na naiinggit
sayo oh kinakaasaran ka at gusto nitong gumanti.
Tinatawag ito sa ingles na isang "Backstabber".

Naniniwala ako sa mga nasa liksik ko tungkol sa ahas at alam ko
na marami sa aking mga kaibigan ang naasar rin sa akin. Hindi ko
rin naman sila masisisi dahil moody akong tao, lalo pa at isa akong
babae na sa isang saglit pwedeng magbago ang timpla ng aking damdamin.
Pilitin ko man magbago hindi ko parin maiwasang makasakit ng
kapwa ng hindi ko nalalaman. Kaya naman sa blog kong ito gusto
kong sabihing SORRY sa mga taong nasasaktan ko ng hindi ko ginusto
at hihilingin ko ang pasenya nyo sa kung ano mang mga bagay
na hindi niyo maintintihan sa aking paguugali.

"I am SORRY"

"You can never understand a persons attitude until you experience
the situation he or she had deal with in his/her past.
"

0 comments: