" Balong "
` Napa ngiti ako nung tinawag ng aking guro ang kapwa magaaral ko sa unibersidad namin ng "BALONG" sa loob ng kanilang opisina. Matagal na rin nung unang narinig ko ang salitang yun, at itawag sa isang binata.
Ni hindi ko pa nga aakalaing ginagamit pa pala ang salitang yun sa pantawag sa mga batang lalaki.. kadalasan kasi "boy" o kaya tinatawag nalang natin sila sa kanilang pangalan.

...
` Nakakatuwa ngunit isang palaisipan narin ito.. pano kaya kung ganun nalang ang itawag natin sa mga kamag aral nating lalaki, at "neneng" naman sa mga babae?
Pano naman kung "Salumpwit" nalng ang pantawag sa upuan? "Burador" pantawag sa Eraser? "Pantisa" sa sharpener? at "maestra/maestro" nalang ang pantawag sa ating mga Teachers?
Matutuwa kaya ang mga guro natin sa Filipino? Matutulungan kaya natin ang mga koreano at ang mga dayuhan sa ating unibersidad na makapagaral ng ating wika sa paggamit lamang ng mga simpleng salita? Ano kaya maidudulot ng paggamit ng simpleng tagalog sa ating lalwigan?
...
` "Taglish" yan ang karaniwang ginagamit ng mga pilipino kapag nakikipagusap sa kapwa pilipino. Dito napaghahalo sa isang pangungusap ang english at masmaraming salitang tagalog ang nagagamit.
Ang sabi naman ni Tony Velasquez na isang komidyanteng kenkoy, "Engalog" naman daw ang tawag sa isang pangungusap na mas maraming ingles na linguahe at kokonti ang tagalog na ginamit.
` " Where you at na? " - Engalog
" Dito na me " -Taglish
Sa Restaurant: "Can you make pasa pasa the plate please" -Engalog
"huwag mo ngang nilalaro ang iyong foOd" - Taglish
` Katiting lang yan sa maraming imbento ng mga gagong pinoy.. (oOps!)
Maraming pilipino ang napagkakamalang maarte kapag nagta-taglish, kapag engalog naman ang gamit, maraming pilipino ang humuhusga sa kapwa pilipino nilang astang mayabang porke mayaman... yan ang kadalsang isyu sa ating mga pilipino. konting bagay lang, pinapalaki, simpleng pagkakamali pinupuna..
` Simpleng bagay lamang nga ito, ngunit sadyang hindi pinalalagpas ng tao. Magugulat ka nalang na sa hinaharap, puro binary digits nalang ang gamit sa paguusap. Kumbaga parang Kompyuter, my hexa, octal, decimal at at kung ano-ano pa.
...
` Nkakatakot noh? sa bilis ng pagbabago ng panahon, pag lipas ng daan-daang segundo sa bawat minuto ng bawat oras sa isang araw hindi mo na matanto kung sino-sino at kung ano-ano na ang ang nasa kapaligiran mo. Kung kelan at kung pano naglaho ang dating simpleng bagay na dati rating na sa iyo..
` Hindi naman siguro masama kung tayo ay makiuso, ngunit sana hindi rin nating kalimutan ang noong nagdaan na syang tumahak sa atin patungo sa pagbabagong ng ating lalawigan.
~ ikaw.Na.Si.aKO ~

0 comments:
Post a Comment