`Oras natin toh!
Lumalalim na ang gabi at malapit naring sumilip ang haring araw
wala akong ibang maisip kundi magpasalamat
dahil muli akong bibigyan ng bagong umagang sana'y magbabago ng
kinabukasan ko
...
Sabi nga ng karamihan, bawat araw, buwan, taon, oras,
minuto, at sa bawat segundong lumilipas
sa buhay mo ay pawang hiram lamang sa may kapal,
lahat ng gagawin mo
nakasalalay dito ang iyong kinabukasan.
ika 28 ng Hunyo
Maaga akong nagising upang mag saing ng aking ipapanligo XD
sabay tulog ulit^^
Nagbihis, kumain ng pandesal, nagpakyut sa harap ng
salamin, nag antay ng oras at tuluyang pumasok sa Unibersidad
na aking pinapasukan.
Sa paglalakad ko,
hindi ko parin maiwasang tumingin
sa aking paligid na kahit na alam kong huli na ako sa klase ko..
marami akong nakasalubong sa daan
my mga suplado, pakyut, mayabang umasta, simple,
trabahador, tagasigaw ng "Avenida!"
kargador, mga matatandang namamalimos at hinding hindi mawawala
ang mga taong nagyoyosi na kung
tawagin ko ay "Subang Family"
kung sa lansangan naman ang tawag sakanila ay
"Sunog Baga Gang" xD
...
Lumipas ang oras, tapos na pala ang klase ko!
Wala na akong maisipang puntahan kundi sa bahay.
Gusto kong matulog, ngunit kahit pilitin, hindi ko magawa
letcheng insomnia!
Kaya naman nakipag kwentuhan, tawanan,
nakipag kodakan
sa mga kafriendships, kumain, tumayo, nakipag
asaran... sari saring aktibidad ng mga
walang matinong magawa.
tik.tak!
tik.tak!
ayun! alas kwatro na pala..
pauwi na ako.
iba't ibang klase ng tao, iba't ibang estilo
ang mga nakasalubong ko.
Malayo palang ako, nabaling na ang tingin ko sa isang
banner sa my Peoples Park na nagsasaad ng
"KONTRA CON-ASS"
tinitigan ko ang mga bawat taong kalahok sa programang iyon..
mga kaedad ko ang karamihan, at yung iba nmn
mejo nasa early 30's, mukang propesyonal yung iba, at mukang
raliyista naman ang karamihan
my isang maliit na lamesa dun na dinikitan ng cartolina
at my sulat na "KONTRA CON-ASS"
"Please sign here".
Nung una nagdalawang isip ako kung lalahok din ako
sa kontra Con-ass. Dinahan dahan ko ang paglalakad, maraming
pumila upang lumagda sa puting papel.
ngunit sa kakaisip ko kung lalagda pa ako, di ko namalayan nakalagpas na pala
ako sa Peoples park. xD
Hindi na ako bumalik pa dahil nga inaantok ako
kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko,
ngunit naka lakip parin sa aking isipan ang naka limbag sa cartolinang iyon.
Pano kaya kung nilagdahan ko rin yun?
maisasalba ba ng pirma ko ang bayan sa malupit na kamay ng kurakot
kong mga opisyales?
pano nila maisasalba ang bansa sa mga nilagdaang papel?
sa mga pagrarally at pagdulot ng trapiko sa daan?
kung sa bawat taong dumaan sa Peoples park ay pumirma,
anong idududlot nito sa bayan? kung sa huli ang masusunod rin lang ay ang
Presidente? isali mo narin dito ang mga galamay ng presidente!
Walang kwenta diba?
...
"June 2, 2009 was a defining moment in history. It is the height of a politics of ignominy, imprudence, and insolence; the approval of a shameless and ambiguously-worded resolution that threatens the very existence of this country’s democracy. One that sets a precedent for injustice, unfairness, and opens the doors for corrupting, unchecked power. You made a grip on the very throat of this country’s democracy, and choked it.
Shameless. That resolution will be tested in the Courts, and perhaps maybe even struck out of the record one day. Forgotten, perhaps, but it should stand - and it will stand - as a testament to shame."
...
ilan lamang yan sa mga nabasa ko sa internet na reaksyon ng mga tao
hinggil sa pinag uusapang Con-Ass,
halos lahat ng nabasa ko kumukontra, alam naman nating lahat na
hindi nga naman kasi tama.
Marami nga tayo ngunit matinik ang kalaban,
mallit man ito, ngunit makapangyarihan.
Kalaban na ng bayan, ngunit patuloy paring ginagalang.
Napaka Ironic diba?
Isipin mo , daan-daang taong bayan ang bumoto para mapunta siya sa kinakatayuan nya ngayon,
Libo-libong mamamayan naman ang my gustong patalsikin siya ngayon.
mali nga yung sinsabi nilang :
"iKaw ang simuLa!" diba dapat palitan ng: "iKaw ang naGsimula???"
Now ask your self.. "Who's to Blame?"
~ ikaw.Na.Si.aKO ~