Is it Enough?
"NauBos na yata anG lahat ng buLAg at tanGA sa munDo
kaya wala man lanG napapalinGOn kapag akO anG dumadaan
sa haRap miSmo ng tAO.."
Sadyang mapaiT ang karanasang aking natama
kaya ganun na lamang ang takOT ko na muLing
sumubok magmahal ng ibang tao at muling
maranasan ang dating sakit na ipinadama
ng unang taong minahal ko.
minsan na akoNg nagPAka tangA at hindi
na yun mauuliT pa.. maxadoNG maseLAn aNG
puSo para pagLAruan lamang nG walang kwentang
mGa tao..
"Mamimili ka na ngA ng taong mananakit sayo
yuNG alam mong hindi pa karapat dapat"
Kelan mo nga ba malalaman kung siya na talaga ang karapat dapat?
Isang taon, dalawang taon... at magtatatlong taon ko
na ring hinihintay ang taong magiging karapat dapat para saakin.
Siguro nga masyado akong nagiging "picky" sa taong mamahalin
kaya inabot na ako ng dalawang taon at kalahati sa pagaantay ng
lalaking para sa akin.
Pero hindi mo naman siguro ako masisisi.
Marami sa mga kaibigan ko ang nagkaron ng kasintahan
na umaabot pa sa mahigit tatlong taong relasyon ngunit sa
bandang huli sa hiwalayan rin lang napupunta.
Nagkakasakitan sila at nagpapasahan ng masasamang salita.
Kanya kanyang deskarte ang ginagawa para lamang mailabas ang
hinanakit sa taong dating minahal nila.
Hindi narin ako magtataka kung bakit ganun nalamang ang kinakalabasan
ng pagsasama ng iba. Natuto akong tumingin sa maling karanasan
ng mga kakilala at ayoko namang mangyari saakin ang nangyari na sakanila
kaya naman heto ako, still SINGLE..
Takot magmahal at takot masaktan. Ngunit ano nga ba ang pagmamahal
kung walang halong pagsubok? konting sugat at konting tampuhan?
Hindi naman mapapagtibay ang isang relasyon kung wala ang mga yan diba?
Tzk. tzk..
Napag alaman ko ngayon base sa obserbasyon narin na sa bandang huli
kayo naman mismo ang magdedesiyon kung ipapatuloy nyo ang relasyong
nasimulan o tatapusin nyo nalang ng isang iglap. Hindi ba't
tayo tayo narin ang gumagawa ng sarili nating kapalaran? Nakasalalay
sa atin ang kung ano mang mangyayari sa atin sa kinabukasan.
Kelangan lang natin ng mahusay na Desisyon at tiwala sa kapwa, tama ba?
Sabi nga ni Bob Ong,
"walang maling desisyon sa buhay,
Kelangan mo lang panindigan ang desisyong napili mo."
Ngunit paano nalang kung nagmahal ka, binigay mo ang lahat
ng makakaya mo upang maging stable ang inyong relasyon
ngunit sa bandang huli ikaw lang ang sasaktan at papaasahin?
masasabi mo bang tama ang naging desisyong mong mahalin ang isang
tao na ang gusto lang ay paglaruan ka at paiyakin?
O Mali ito ngunit kelangan mo nalang tanggapin?
Haaaaaayyyy buhaay!!
Tao ka nga lang, ang damdamin mo di mo kayang pigilan,
Nag mahal ka ng maling tao sa tamang oras..
Ang magagawa mo na lang ay ang balansehin ang takbo ng utak mo
sa kung sino man ang tinitibok ng puso mo at kung ano ang idinidikta nito.
Kaya nga masmataas ang utak kesa sa puso.
Tama ba?
~ikaw.na.si.akhOo!~
0 comments:
Post a Comment