Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino
-ay isang Pangulo ng Pilipinas at isang mundo-matunog na tagapagtaguyod ng demokrasya, kapayapaan, women's empowerment, at ang paggalang sa mga magulang tungkol sa relihiyon. Siya ay nagsilbi bilang 11th pangulo ng Pilipinas mula 1986-1992. Siya ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas at siya rin ang kauna-unahang babaeng Presidente ng Asya.
Noong ika-uno ng Agosto 2009, alas tres ng umaga, ginulat ako ng balita na
napanood ko sa telebisyon. Dahil sa isang sakit na Colon Cancer nabawi ang
buhay ni Gng. Cory Aquino. Ginunita ng lahat ang kanyang ala-ala at ang kanyang
serbisyo bilang isang kongresista at bilang isang mabuting mamamayan ng bansa.
Isang kagalang galang na Ginang at isang relihiyosang ina.
Nakakapanghinayang nga naman na mawalan ng isang ganitong klase ng tao sa ating
lipunan ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan masasabi nating
"woth it" ang kanyang pinaghirapan. Kinilala siya ng buong mundo
at ipinagmalaki ng lahat.
Hindi maipagkakaila na marami rin siyang naitulong sa bansa at maraming magandang
pagbabago na naipatupad na nakatulong sa nakakaraming mamamayan ng bansang kinaroroonan natin at hindi rin natin mapipigilan ang ilang mamamayan na ikumpara
ang lahat ng nagawa niya sa nagawa ni Pangulong Arroyo. Ngunit hindi na rin iyon
importante, dahil sabi ko nga sa aking huling blog, sa atin rin nagsisimula ang lahat.
Matapang nitong hinarap ang kanyang pagkamatay at taas noo ako sa kanya
Mabuhay ang iyong ala-ala Tita Cory!
Rest in Peace.
0 comments:
Post a Comment